1st Blog, Philippine History
Ang
kapuluan ang bansang Pilipinas (opisyal: Republika ng Pilipinas). Binubuo ang
bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo.
Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng daigdig sa may kanluran ng Karagatang
Pasipiko. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas. Pero
saan nga ba nag mula ang mga tao sa Pilipinas?
Ayon sa aking pagsasaliksik
Ang mga unang tao o sinaunang mga tao ay ang mga unang
ninuno, mamamayan o taong namuhay ibabaw ng mga lupain ng mundo. Maaari rin
itong tumukoy sa mga sinasabing mga naging unang lalaki at unang babaeng
nilalaman ng mga alamat at mito mula sa iba't ibang kalinangan ng tao, kabilang
ang mga binabanggit sa iba pang mga salaysayin o mga aklat tulad ng Bibliya, Tora,
Talmud at Koran.
Ayon sa Bibliya
Ayon sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, sina Adan at Eba ang unang
lalaki at unang babae -- ang mga unang tao sa mundo. Sila ang magulang ng
sangkatauhan: sapagkat si Adan ang pinakaunang tao, samantalang si Eba ang
pangalawa. Nilalang ng Diyos si Adan mula sa alabok sa lupa ayon sa wangis ng
Diyos o bilang isang kalarawan. Nilikha naman ng Diyos si Eba mula sa mga
tadyang ni Adan.sa kabilang banda naman marami din mga teorya napagaralan kung
papaano nagkaroon ng tao sa Pilipinas tulad ng:
Teorya ng
Ebolusyon Noong 1859, sa pangunguna ng siyentipikong si Charles
Darwin, maging ni Alfred Russell Wallace, ang panukalang nagbuhat ang mga hayop
- kabilang ang tao - mula sa mga nilalang na may ibang kaanyuan. Sinabi pa rin
nila na bunga ng mga "pagbabagong kinailangan sa loob ng mahabang
panahon" ang kasalukuyang anyo ng tao at ng iba pang mga hayop. Sanhi raw
ang mga pagbabagong ito ng pagbabago rin sa kalagayan ng kalikasan sa isang
pook na pinamumuhayan ng mga hayop at taong ito. Tinatawag na ebolusyon
(panukala ng pagbabago) ang mga pagbabagong ito, at nagaganap upang
maipagpatuloy ang pagkakaroon ng buhay. Sapagkat maglalaho o mawawala sa ibabaw
ng mundo ang mga hindi nagbago at yaong mga walang kakayahang magbago -
kakayahang dumaan sa proseso ng ebolusyon. Kailangang magbago sa kanilang mga
gawi sa pamumuhay ang mga hayop: nagkakaroon ng mga pakpak (sa loob ng matagal
na panahon) ang mga namumuhay batay sa paglipad (mula sa pagdagit, pagsalimbay,
o pagsalibad muna hanggang sa magkaroon ng mga tunay na pakpak), napipilitang
magkaroon ng mga paa (sa loob din ng matagal na panahon), umahon, at mamuhay sa
lupa ang mga isdang nabubuhay sa isang pook na pinagdausan ng "malawak at
matagal" na panahon ng tag-tuyo, kung saan may kakulangan ng tubig na
malalanguyan. Nakapagpapatuloy sa pagkakaroon ng buhay ang mga nakapagbagong
ito sa kanilang mga kaanyuhan at kayariang pangkatawan, at namana rin ng
kanilang mga anak ang mga naganap na pagbabagong ito.
Teorya ng
Tulay na Lupa Ang teoryang ito ay inihayag ni Fritj of Voss.
Isinasaad ng teoryang ito na kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at
nagmukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo. Ito ang
naging dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba't ibang kontinente.
Teorya ng
Bulkanismo: Ito ay inilahad ni Bailey Willis. Sinasabi ng teoryang
ito na ang Pilipinas ay sumulpot dahil sa malakas na puwersa at pag-galaw na
naganap sa kailaliman ng dagat may 200 milyong taon ang nakalipas.
Teorya ng
Diyastropismo:
Ang diyastropismo ay ang ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na
nagsanhi ng pagkawala ng hugis ng mga bato. Napaibabaw sa tubig ang mga
magagang bato at ibang materyal na tumaas kaysa sa dagat.
Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente (Continental Drift)
Inalahad ito ni Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na
noong 200 milyong taong nakakalipas, iisa lamang ang kontinente sa mundo, ang
Pangea. Malipas ang ilang daang taon, Ito ay nahati sa sa dalawang kontinente,
ang Laurasia at Gondwanaland, at nahati pa ang mga ito sa iba't ibang lupa na
katulad ng sa kasalukuyan.
Ganon paman
lahat ng mga teoryang eto ay wala pang sapat na batayan para paniwalaan nating
lahat, nasa saatin nalang mga mangbabasa kung alin sa mga teoryang ito ang
paniniwalaan.
Naniniwala
ka ba sa Bridge Teory? bakit?
Para sakin naniniwala ako na ang mga kontininte ng Mundo
noon ay iisa lang at tinatawag itong PANGEA sa paglipas ng napakahabang
Panahaon unting unti gumagalaw ang sea floors ng mundo kaya unti unting lumalayo ang mga Lupa. Isa sa mga natural calamities na eto ay
ang pag lindol, o pagsabong ng bulcan o di kaya tsuname. Sa Pilipinas naman ay
Oo naniniwala ako sa Bridge Teory na merong mga tulay na lupa na nagdudugtong
sa ating sa mga kalapit bansa tulad ng Burneo at Malaysia. Sa paglipas ng
panahon sanhi din ng natural calamities ay unting unting gumagalaw ang lupa sa
ilalim ng dagat at nasisira ang mga tulay na lupa. dahil sa kakulangan na din
ng kaaalaman ng mga sinaonan tao ay hindi nila nagawan ng paraaan para ma
preserve o pamanatili ang mga tulay na lupa noon.
Ano ang mga
etchura ng mga Ita, Malay, at Indonese?
Ang mga Indones ay may buhok na tuwid. Ang kanilang balat ay
maputi. Sila ay matatangkad at ang kanilang labi ay maninipis.
Ang mga Malay o Malayo ay may maitim at kulot na buhok.Ang
ang kanilang balat ay may kayumangging mura hanggang kayumangging
kaligatan.Hindi rin sila masyadong matatangkad.
napakaraming katangiaan ng mga ita o negrito isa dito ay ang
mga ss:
maitim, pango ang ilong,maliit o pandak,kulot,makapal ang
bibig ,itim ang kulay ng mata(yung bilog sa gitna ng puteng parte)
Naniniwala
ka ba na ang mga Taiwanese ang
sinuanang
tao sa Pilipinas?
Sa tingin ko ayaw malayo na ang taiwanese ang sinaonang tao
sa Pilipinas. Walang mga artifacts o ebedinsya ng mga taiwanese na nakuha ang
mga researchers mula sa kanila. at kung pagmamasdan mo ang mga typical na mga
pilipino ay malayong malayo ang etchora natin sa kanila.
Ang mga Katangian na namana natin
mula sa
ating mga ninono.
Isa sa mga katangian na namana natin sa ating mga ninono ay
ang kahusayan ng mga Pilipino sa pagtatanim ng mga palay, o mga root crops.
Kasipagan pagkamalikhain sa larangan ng sining, isa na sa mga eto ang
pagkahusay sa sayaw at kanta. at higit sa lahat masisipag ang mga Pilipino.
No comments:
Post a Comment